View my other blog - www.thekitchengoddess.blogspot.com

panelarrow

Friday, July 28, 2023

Simpleng Pangarap ni Tatang: Urban Farming at ang SM Foundation

Nagsagawa ng Urban Farming Initiative ang SM Foundation noong Hulyo 7, 2023 sa SM City North EDSA Annex at sa 16 pang SM malls bilang pagdiwang sa mga nagawa ng nasabing foundation katuwang ang pamahalaan sa loob ng 16 taon. Ang simpleng pangarap ni Tatang Henry Sy, Sr., na umusbong at lubos na nakapagpabago sa buhay ng maraming Pilipino. 


Ang Urban Farming Initiative ay pinangungunahan ng SM Foundation sa pamamagitan ng Kabalikat Sa Kabuhayan on Sustainable Agriculture Program. Ito ay inilunsad upang mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka, magkaroon ng kamalayan sa kalikasan, siguraduing may sapat na pagkain para sa ating mga pamayanan, at pagbigay ng trabaho at pagkakataong magkaroon ng karagdagang pagkakakitaan ang ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng KSK-SAP, maraming kababayan nating magsasaka ay nabigyan ng karagdagang mga skill tulad ng urban farming techniques, product development, marketing, at basic accounting sa mga lugar na malapit sa kanila. 

Lagpas na 260 sustainable agricultural trainings na ang naisagawa na ng KSK at nakatulong ito sa mahigit 28,500 na mga magsasaka. Ang mga pagsasanay na ito ay ginanap sa siyudad at sa mga bayan na malalapit sa ating mga kababayan upang matulungan sila sa pagtatanim at pagpapalago ng mataas na kalidad ng prutas at gulay. 

Katuwang ng SM Foundation, SM Supermalls, at SM Markets ang mga ahensya ng ating pamahalaan tulad ng DA, DSWD, DTI, TESDA, DOST, DOT, at ang Quezon City LGU sa pagsisigurado na maraming mga kababayan natin ang tuloy-tuloy na matutulungan. 

Sa tulong ng SM Supermalls at SM Markets, nabigyan ang mga urban farmers ng pagkakataong maibenta ang kanilang mga ani sa SM Sunday Market, at sa iba pang mga pamilihan ng SM upang magabayan sila sa negosyo ng pagbebenta ng kanilang mga ani.

Tunay na nakakatuwa na ang simpleng pangarap ni Tatang ay lubos na nakatulong sa mga kababayan nating magsasaka sa pagsisiguradong may sapat silang kita at may sapat na pagkain ang bawat pamilyang Pilipino, lalo na ngayong palang tayo nakakabangon mula sa mga hamon ng pandaigdigang ekonomiya. 

Ang SM ay nasa negosyo ng paglikha ng sustainable na kalikasan. Mula sa pagiging una sa pagco-consider ng renewable na enerhiya sa mga mall buildings, hanggang sa pag-implementa ng mga kagamitan sa pagtitipid ng enerhiya, kami ay magpapatuloy na iabot ang mga makabuluhang sustainability milestones. 




Klook.com

0 comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Blog Archive

Popular Posts

A member of Philippine Bloggers Network

A member of Mommy Blogger Philippines

Mommy Bloggers Philippines
Viva Manilena Blog by Edel Santiago. Powered by Blogger.

Copyright © Viva Manilena | Powered by Blogger
Design by AnarielDesign | Blogger Theme by NewBloggerThemes.com